It's back. ^__^

Bad trip lang at wala na si Combatron. xD
- Mood:
nostalgic
First time ko pumunta last week at ang una kong inorder ay yung Wasabi Burger nila. Basically isa siyang grilled burger na gawa sa wasabi yung sauce, kaya sa bawat kagat mo ay lumalabas sa ilong mo yung anghang… ang saya.
Dito ko rin nakita first hand yung sumusubok ng Ridiculous Challenge, kung saan dapat mo maubos yung 3-patty burger (a.k.a. Ridiculous Burger) within 5 minutes and you’ll get a full refund. Naisip ko na kaya kong gawin yung challenge na yun, knowing myself, pero hindi ko naman maeenjoy yung burger pag ganun at nakita ko rin kasi na isang beses ka lang pwede manalo kaya gagamitin ko na lang yung chance na yun pag sobrang gutom ako at paubos na ang pera ko.
Pero syempre gusto ko pa rin ma-try yung burger na yun kaya kanina ay nag take-out ako ng isang Ridiculous Burger. Medyo may kamahalan nga lang siya at around 224 pesos (VAT inclusive) pero natuwa naman ako sa laki niya at in fairness ay masarap naman siya.
- Mood:
full
Kakain pa rin ako ng street foods sa sidewalks kahit na meron akong super galing na cook sa bahay. Hindi pa rin kasi niya mapapantayan ang luto nila mamang fishball, aleng tukneneng, at kuya isaw.
As much as possible isasama ko ang aking driver sa mga lakad ko. Ayaw ko yung iniiwan lang sila sa waiting area para mapanis. Kung hindi naman maari ay bibigyan ko na lang siya ng pera pangnood ng sine at pang Time Zone... pwede rin niya i-date si Inday sa Starbucks.
Magko-commute pa rin ako once in a while.
Jollibee spaghetti pa rin ang favorite kong "pasta"
Bibili ako ng condo sa Makati, dapat yung may mga malapit na Jollijeep.
Sorry sa Optical Media Board pero bibili pa rin ako ng pirated stuff. Mas maganda kasi ang collection nila kesa sa mga shops sa malls. Madalas ay may mga rare movies pa sila. Pero pag gawang Pinoy, gaya ng OPM at local movies, ay original ang bibilhin ko.
Manonood pa rin ako ng mga Pinoy movies sa sinehan kasama yung mga cheesy movies ng Star Cinema with it's cheesy lines. ("You had me at my best; she loved me at my worst, but you chose to break my heart" - One More Chance) ("Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako dahil mahal mo ako?" - Milan)
Hindi pa rin ako bibili ng Havaianas
- Mood:
sleepy
Tapos prituhin ng sandali ay pwede na itong ilagay sa plato para simulang upakan. Sa totoo lang mas trip kong gamitin yung extra hot chili flavor dito kasi masarap siya pag may kasamang Red Horse. Pero since chili-mansi lang ang meron ako ay carry na rin. Ang importante ay nabusog ako matapos kumain, medyo bumibigat kasi sa tiyan ang noodles dahil dun sa itlog.
- Mood:
amused
So far naman ok naman siya. Nagagawa naman nito ang lahat ng sinasabi sa TV. Hindi na rin ako masyado umiiyak pag humihiwa ng sibuyas.
Ang unang-una kong ginawa ay salsa. Lagi kasi ako tinatakam pag ginagawa nila ito sa TV. Kaya ayun naghanap ako ng simpleng recipe at excited akong ginawa ito at in fairness masarap naman ang kinalabasan.
- Mood:
awake
Isa itong old post/article sa isang forum. Wala lang, nabasa ko lang uli sa inbox ng email ko.
Gising, Tol.
Contributed by tabachoi (Edited by alteredbeast)
Tumatanda ka na, tol.
Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta. Nakaka-relate ka na sa Classic MTV. Lesbiana na yung kinaaaliwan mong child star dati. Nanay na lagi ang role ng crush na crush mong matinee idol noon.
Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng "PENDONG!". Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na yung napapraning. Parang botika na ang cabinet mo. May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly, tsaka ginko biloba.
Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta, inihaw na liempo, pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.
Wala na ang mga kaibigan mo noon.
Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka. Ang lagi mo na lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka sigurado kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka. Ang hirap nang magtiwala.
Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina. Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa tinatawag nilang "corporate ladder". Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan. Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.
Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.
Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun. Alipin ka ng Midnight Madness. Alipin ka ng tollgate sa expressway. Alipin ka ng credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.
Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton. Ngayon, dapat may kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo. Masaya ka na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo para makapagswimming. Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar. Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo. Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.
Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo. Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo kailangan, abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.
Saan ka ba papunta?
Tol, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa lang sa mga baterya ng mga machines sa Matrix. Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka. Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na nagpasaya sa yo. Balikan mo sila.
Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.
- Mood:
working
Kung isang malaking "act" lang ito ni pareng Rey ay isa lang ang masasabi ko: isa siyang henyo. Instant hit diba? Easy money for a while. Pwedeng ipundar para sa isang pangkabuhayan showcase. Ayus.
- Mood:
drained
0.01%, 0.02%, 0.05%. Usually yan ang mga chances mo para makakuha ng card or rare item sa RO. Pero kahit ganyan kaliit ay nakakakuha ka pa rin, minsan nga sa first try mo pa lang eh. At dahil dyan tumataya ako sa Lotto.
Lahat ng taong ayaw mo or kagalit mo ay nagmumukhang orc
Maraming tao ang nagro-roleplay sa totoong buhay. Mapagpanggap. Marami ring chicksilog.
Marami ring “leechers” sa trabaho. Mga nakikisawsaw sa pinaghirapan ng iba.
Pagdating sa gastusan, mas pipiliin ng tao na bumili ng isang bagay na maganda lang or uso pero hindi naman praktikal. Halimbawa: RO = Elven Ears, sa totoong buhay = Havaianas
Ang gobyerno ay parang Level Up, sa kanila napupunta ang pera ko.
- Mood:
working
I can see it now.. pagdating ng AI finale kakantahin ito ng mga lalaking contestants sa stage kasama si Renaldo! Wooo! xD
We're Brothers Forever
By Renaldo Lapuz
I am your brother
Your best friend forever
Singing this songs
The music that you liiiike!
Brothers till the end of time
Together or not
You're always in my heart
Your hurt, your feelings
And you will worry no mooore!
- Mood:
amused
AMP!
Yup, may work ako ngayon. First time ito. xD
HAPPY NEW YEAR EVERYONE!!
Immune ako sa curfew. xD
Rest day ko. Nagising ako ng alas dos ng madaling araw na gutom... gusto ko ng siopao. Bumangon ako, naghilamos, nag-cr, at pumunta sa 7-11. Habang nag lalakad ako sa kahabaan ng Pasay Road may narinig akong tinig ng isang lalaking umaawit.
Kung nag-iisa at nalulumbay, dahil sa hirap mong tinataglay...
Kung kailangan mo nang karamay, tumawag ka at Siya'y naghihintay...
Familiar yung lyrics. Familiar yung tono. Pero di ko pa matukoy kung ano yung kanta. In fairness, maganda naman yung boses nung lalaki.
Siya ang iyong kailangan, sandigan, kaibigan mo...
Habang palapit ako ng palapit, natutukoy ko na kung ano yung kanta at nakiksabay na rin ako sa pag-awit. Pero di ko gusto yung nakikita ko. Di ko gusto kung saan nanggagaling yung awitin.
Siya noon, bukas, ngayon, sa dalangin mo'y tugon...
Nasa tapat na ako ng lugar. Medyo pula yung ilaw sa loob. Sa harapan nung lalaki ay lamesang may mga bote ng Pale Pilsen, habang sa tabi naman niya ay isang GRO na nagyoyosi. Ususally ito yung mga tinatambayan ng mga tricycle drivers pag tapos ng byahe nila... small time na KTV bar. Napa-iling ako at tinuloy ang paglalakad ko.
Siya ay si Hesus sa habang panahon...
And now, our word for the day... "delikadesa"
- Mood:
okay
I LOVE YOU!!!
- Mood:
good
hmmm.... *stares at atm*
Be strong Shakey... be strong... XD
- Mood:
thirsty
- Mood:
weird
Ang naalala ko na lang pumasok ako sa room.Nakita kong apat sila na nasa loob, tapos umupo ako. Tapos blanko na. Wala na akong maalala sa mga tanong at sa mga sinabi ko. Nang bumalik ang isip ko, nasa labas na uli ako. Hiniling ko na lang na sana ay hindi kahiya-hiya ang mga sinabi ko.
Pagdating ng Lunes tinawag uli ako ng sup ko at may pinakita sa aking email. Natulala ako sa nakita ko. Mantakin mo, pasado daw ako. Starting next month, OIC na ako. Bale pang supervisor/manager na ang trabaho ko... di pa rin ako makapaniwala. Magkakaroon ako ng sarili kong team, at kung maging ok ang lahat ay hihirangin nila akong Operation Supervisor. Shet, todo na 'to.
Di ko pa rin talaga alam kung anong mga sinagot ko at nagustuhan nila. Pero pinakita na rin sa akin ng sup ko ang mga feedback ng panel dun sa email... kung baga, mga bagay na pwede kong ma-improve. Ang unang weakness ko daw ay experience, na syempre given na, pero yung sumunod na weakness natawa ako. Overconfident pa daw ako! Biruin mo yun! Amp!
- Mood:
chipper
Debateng iPod Nano:
Me: Bakit naman ako bibili ng orig? Ang mahal kaya!
Friend: Sulit naman! Tignan mo tong akin.
Me: Kung itsura lang, wala naman masyadong pinagkaiba sa fake eh. Iba lang yung interface tsaka wala yung scrolling button effect thingy.
Friend: O kitams. Astig kaya yung buttons pag orig.
Me: Aanuhin ko naman yung buttons. Bibili ako para makinig ng music at hindi dahil sa buttons.
Friend: Kahit na. Orig na ang bilhin mo, pang matagalan naman yan eh. Di ka sure sa fake.
Me: Bakit sure ka ba dyan sa orig mo? Paano kung nawala yan? Paano kung nahold-up ka? E di iyak ka.
Friend: Pota! *knocks on wood*
Me: At least yung bibilhin ko, mga 2k lang, may tawad pa sa divisoria.
Friend: Kuripot ka kasi.
Me: Di rin. Practical ang tawag diyan. Tsaka mas madami kayang feature yung fake kesa sa orig. May video playback yung fake. Meron ba yang nano mo?
Friend: Wala.
Me: O! Tapos yung fake may radyo! May external speaker pa! Mura pa! San ka pa! Yung sa iyo may scrolling effect lang yung button!
Friend: Kuripot!
Me: Bitter! :D
- Mood:
bouncy
Matagal-tagal ko na ring hindi ito nagawa at medyo sinipag din ako nung mga nagdaang araw. Kaya naisip ko na bakit hindi. I revived my blue rice technique at dahil sa inspirasyon ni kao ay ito ang naging resulta:
Ang nasa itaas ay ginisang kangkong sa bagoong with dilis... aquarium style. Ang nasa baba naman ay corned beef na may chunks ng patatas, habang nasa itaas nito ay fried egg. Hehe, natuwa naman ako sa resulta. Patawad sa photo quality dahil camera phone lang ang gamit ko eh. Na-realize ko rin na medyo pambata ang itsura pero cute naman eh, at cute din naman ako kaya ok na rin. ^__^
- Mood:
giggly

